Global cases ng COVID-19 mahigit 7 milyon na

Umakyat na sa mahigit pitong milyon ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, sa nasabing bilang, mayroong mahigit 404,000 na ang nasawi.

Umabot naman na sa mahigit 3.4 milyon ang naitatalang naka-recover o gumaling na sa sakit.

Habang mahigit 3.2 million pa ang aktibong kaso kung saan mahigit 53,000 dito ang kritikal ang kondisyon.

Sa nakalipas na magdamag, ay umabot sa mahigit 109,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo at mahigit 3,200 ang naitalang bagong nasawi sa sakit.

 

 

 

Read more...