ITCZ at Easterlies umiiral sa bansa

Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies ang umiiral sa bansa ngayong araw.

Sa weather forecast ng PAGASA, ang Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN at Davao del Sur ay makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na may kalat-kalat nap ag-ulanl dahil sa thunderstorms na dulot ng ITCZ.

Ang Visayas naman, nalalabing bahagi ng Mindanao at ang Palawan ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may kalat-kalat ring pag-ulan dahil din sa ITCZ.

Habang sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang iiral dahil sa easterlies at makararanas lamang ng localized thunderstorms.

Kaninang alas 4:48 ng madaling araw, nagpalabas na ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa ilang lalawigan sa Luzon.

Ayon sa PAGASA, nakararanas ng katamtaman hanggang s amalakas na buhos ng ulan sa
Bulacan, Laguna, Rizal, at Nueva Ecija.

Gayundin sa mga bayan ng Real, Polilio, Burdeos, at Panukulan sa Quezon.

 

 

 

 

Read more...