DOTr nagdagdag ng apat pang ruta para sa rationalized bus routes sa Metro Manila

Simula ngayong araw mayroong apat pang dagdag na bagong ruta sa ilalim ng rationalized bus routes ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa DOTr, may bibiyahe na ring bus ngayong araw para maserbisyuhan ang mga pasahero sa sumusunod na mga ruta:

• Monumento-Valenzuela Gateway Complex – 54 bus units
• Gilmore-Taytay – 78 bus units
• Buendia-BGC – 22 bus units
• Monumento-San Jose Del Monte – 105 bus units

Noong nakaraang lingo ay nauna nang nagbukas ang sumusunod na mga ruta:

• EDSA Carousel – to augment MRT-3
• Monumento-Balagtas
• Quezon Avenue-Angat
• Quezon Avenue-Montalban
• Cubao-Antipolo – to augment LRT-2
• Monumento-EDSA Taft – to augment LRT-1
• PITX-NAIA Loop
• PITX-Dasmariñas

Sa mga susunod na araw ay may mga bubuksang bagong ruta ayon sa DOTr.

 

 

Read more...