Heat index sa Metro Manila, pumalo sa 42 degrees Celsius kahapon, June 7

Mainit at maalinsangan panahon ang naranasan sa Metro Manila, araw ng Linggo (June 7).

Ayon sa PAGASA, pumalo sa 42 degrees Celsius ang heat index sa bahagi ng Science Garden, Quezon bandang alas-3:00 ng hapon.

Umabot naman sa 35.7 degrees Celsius ang naitalang maximum temperature sa nasabing lugar.

Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot ng 41 hanggang 54 degrees Celsius na heat index.

Maaari anilang magdulot ito ng heat cramps at heat exhaustion na maaaring mauwi sa heat stroke kung tuluy-tuloy ang physical activity.

Payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

Read more...