Bayabas, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

Tumama ang magnitude 4.9 na lindol sa Bayabas, Surigao Del Sur Linggo ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 64 kilometers Northeast ng Bayabas bandang 10:09 ng gabi.

15 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...