Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras

Asahang makakaranas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa PAGASA.

Batay sa thunderstorm advisory bandang 3:34 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas at Nueva Ecija.

Uulanin din ang bahagi ng Cabangan at San Felipe sa Zambales, at sa General Luna at Catanauan sa Quezon.

Sinabi ng PAGASA na mararanasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...