Mula sa P8,150, nasa P3,409 na lamang ang dapat na bayaran para sa COVID-19 test.
Ayon kay Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography, malaking ginhawa ito sa bawat Filipino.
“I am commending PhilHealth for their immediate response in cutting the cost of COVID-19 test as it provides us a wider coverage for all Filipinos who need to undergo testing in this time of health crisis while maximizing limited government resources,” pahayag ni Go.
“Sa pagbaba ng cost ng COVID-19 test, mas makakatipid ang gobyerno at mas mabibigyan tuon pa natin ang mga health services na kailangan din nating i-address o dagdagan bukod sa COVID-19 testing lamang,” dagdag ng Senador.
Bukod sa test, pinababantayan din ni Go ang presyo ng iba pang health services.
Sa ilalim ng bagong scheme, babayaran ng Philhealth ang P3,409 na COVID-19 test basta’t gagawin ito sa testing laboratory.
Kapag donasyon naman ang ginamit na test kits, babayaran ito ng PhilHealth nang P2,077.
Kapag sa public hospital naman, babayaran ito ng PhilHealth ng P901.