Ilang estudyante, alumni ng DLSU nagkaroon din ng fake accounts sa Facebook

Maliban sa University of the Philippines (UP), may mga lumabas ding fake accounts sa Facebook sa ilang estudyante at alumni ng De La Salle University (DLSU).

Sa abiso ng pamunuan ng DLSU, nagkaroon ng empty at fake accounts ang ilang indibidwal at grupo na nagsasabing miyembro sila ng komunidad ng unibersidad.

“Posting from these accounts are unauthorized and do not reflect the views and position of the institution,” pahayag pa ng DLSU.

Hinikayat naman ang buong DLSU community na manatiling maingat.

Payo pa ng pamunuan ng DLSU, iwasan muna ang pag-click ng mga kahina-hinalang email o friend requests.

Read more...