Singapore, nakapagtala ng karagdagang 383 COVID-19 cases

Halos 400 ang panibagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.

Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 383 na kaso hanggang 12:00, Linggo ng tanghali (June 7).

Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.

“Based on our investigations so far, there are 14 cases in the community, of whom 10 are Singaporean/Permanent Resident and 4 are Work Pass holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.

Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.

Sa kabuuan, pumalo na sa 37,910 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.

Read more...