Number coding scheme, mananatiling suspendido – MMDA

Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mananatiling suspendido ang Unified Vehicular Volume Reduction Program o number coding scheme.

Ito ay bunsod ng limitadong operasyon ng public transportation sa Metro Manila.

Batay sa Facebook post ni MMDA chairman Danny Lim, “until further notice” ang pagpapaliban ng number coding.

“The postponement will give time for the necessary transport augmentations to be established,” pahayag pa nito.

Pinayuhan din ni Lim ang publiko na bantayan ang mga ilalabas na update ng Department of Transportation (DOTr) sa mga papayagan nang makabiyahe at karagdagang ruta ng bus.

Read more...