Barangay kagawad, timbog sa Negros Oriental

Arestado ang isang barangay kagawad matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa Bais City, Negros Oriental Linggo ng umaga.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), ikinasa ang buy-bust operation sa bahagi ng Barangay Looc bandang 8:20 ng umaga.

Nagresulta ang operasyon sa pagkaka-aresto kay Romel Dy Resente, 46-anyos na barangay kagawad at residente ng Barangay Looc at manager ng isang motorcycle parts store.

Nakumpiska kay Resente ang apat na pack ng hinihinalang shabu na may bigas na humigit-kumulang dalawang gramo, .45-caliber pistol, isang magazine na kargado ng limang bala, at ginamit na buy-bust money.

Nagkakahalaga ng P13,600 ang nakuhang ilegal na droga sa suspek.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 at Republic Act 10591 ang isasampang kaso laban sa suspek.

Read more...