JK Labajo, itinanggi ang kumakalat na balitang patay na siya

Pinasinungalian ni Juan Karlos “JK” Labajo ang kumakalat na balitang patay na siya.

Sa Instagram, nag-post ang singer-songwriter ng tribute photo ng kaniyang sarili na may backdrop ng langit at may sulat na “In loving memory of Juan Karlos “JK” Labajo.”

“With all the speculations and rumors going around of his passing, we officially announce with a heavy heart, that Juan Karlos Labajo, a loving friend, brother, son, and lover, is still alive and ready to rock and roll. Suck it, haters,” batay pa sa caption ng larawan.

Tiniyak din nito na hindi niya iiwan ang kaniyang mga tagahanga.

“Love to my supporters. Di ko pa kayo iiwan. Marami pa tayong tataluning mga evil entities. Marami pa tayong pababagsaking mga sinungaling at walang puso,” ani Labajo.

Read more...