Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 402,000 na

Pumalo na sa mahigit 402,000 ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 402,170 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 112,096.

Sumunod na rito ang United Kingdom na may 40,465 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 36,044 naman ang death toll sa Brazil habang 33,846 ang napaulat na nasawi sa Italy.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 29,142
– Spain – 27,135
– Mexico – 13,511
– Belgium – 9,580
– Germany – 8,769
– Iran – 8,209
– Canada – 7,773
– India – 6,946
– Netherlands – 6,011
– Russia – 5,725
– Peru – 5,301
– Turkey – 4,669
– Sweden – 4,656
– China – 4,634
– Ecuador – 3,608
– Pakistan – 1,935
– Switzerland – 1,921
– Indonesia – 1,801
– Ireland – 1,678
– Chile – 1,541

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,976,045 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 3,411,784 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...