LOOK: Limang lugar na pinakamataas na heat index sa bansa, June 6

Nakapagtala ng mataas na heat index ang limang lugar sa bansa, araw ng Sabado (June 6).

Ayon sa huling datos ng PAGASA, nakapagtala ang Science City of Muñoz ng pinakamataas na heat index na umabot sa 48 degrees Celsius, alas-2:00 ng hapon.

Narito ang ilan pang mga lugar na nakapagtala ng mataas na heat index:

Ambulong, Tanauan City (11:00AM) – 47 degrees Celsius

Aparri, Cagayan (2:00PM) – 45 degrees Celsius

Legazpi City (2:00PM) – 44 degrees Celsius

Science City of Muñoz (2:00PM) – 44 degrees Celsius

Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

Read more...