Cong. Eric Go Yap, isinugod sa Benguet General Hospital

Isinugod sa isang ospital si ACT-CIS Partylist Representative Eric Yap sa Benguet.

Kinumpirma ito mismo ng kongresista batay sa kaniyang inilabas na pahayag.

Aniya, cleared siya sa anumang seryosong karamdaman batay sa resulta ng mga isinagawang pagsusuri ng Benguet General Hospital.

Malaking dahilan aniya ng biglaang paghina ng kaniyang katawan ang fatigue, stress at pabago-bagong panahon sa Benguet.

Binanggit din nito na 3:00 ng madaling-araw ng Sabado, June 6, natapos ang kanilang isinagawang pulong ng kaniyang grupo upang talakayin ang mga susunod na programa.

“This is just temporary and I will be up and running again soon!,” pahayag ni Yap.

Nagpasalamat naman ang kongresista sa mga nag-alay ng panalangin at tumawag sa kaniya para alamin ang kaniyang lagay.

“Maraming salamat po sa inyong pagmamahal at higit lalong maraming salamat sa Poong Maykapal at tayo po ay cleared of any serious illness,” dagdag pa nito.

Read more...