Liquor ban binawi na sa Maynila

Simula bukas, June 8, maari nang makabili ng alak sa Maynila.

Ito ay dahil babawiin na ni Manila Mayor Isko Moreno ang ipinatupad na liquor ban sa lungsod na una nang ipinatupad noong March 28 nang magdeklara ang pamahalaan ng state of calamity dahil sa COVID-19.

Ayon kay Moreno, base sa Executive Order 18 na ipinasa ng lokal na pamahalan ng Maynila, bawal pa rin ang pagbebenta ng alak sa mga menor de edad.

Ipagbabawal pa rin ang pag inom ng alak sa mga pampublikong lugar.

Nasa general community quarantine na ngayon ang Metro Manila.

Read more...