Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,643

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Sabado (June 6, 3:00 PM) pumalo na sa 1,643 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 382
Laguna – 482
Batangas – 207
Rizal – 464
Quezon – 108

Nasa 873 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 14 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 144
Laguna – 304
Batangas – 114
Rizal – 234
Quezon – 77

Nadagdagan ng 1 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon kaya umabot na sa 163 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 30
Laguna – 36
Batangas – 26
Rizal – 62
Quezon – 9

Read more...