BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 21,340

Nadagdagan pa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Sabado ng hapon (June 6), sumampa na sa 21,340 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ng kagawaran na 714 pa ang napaulat na kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 350 ang “fresh cases” habang 364 ang “late cases”

Sinabi ng DOH na pito pa ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 994 na.

Ayon sa DOH, 111 pasyente ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.

Dahil dito, ang total recoveries sa COVID-19 sa Pilipinas ay 4,441 na.

Read more...