Naitala ang nasabing datos mula February hanggang June 5.
Ayon sa kagawaran, sa nasabing bilang, 21,845 o 61.68 porsyento ang sea-based habang 13,566 o 38.32 porsyento ang land-based.
Karamihan sa mga bagong napauwing OFW ay mula sa Japan at France.
Sinabi ng kagawaran na patuloy pa rin ang repatriation sa mga nais umuwi ng Pilipinas.
Inabisuhan ng DFA ang sinumang OF na nais makauwi ng Pilipinas ay maaaring ipagbigay-alam sa embahada o konsulado sa kanilang lugar.
Base sa Department of Health (DOH) Memo 2020-0200, lahat ng pabalik na OF ay kailangang sumailalim sa pagsusuri at mandatory quarantine sa government-designated facilities o BOQ-approved quarantine hotels habang hinihintay ang resulta ng kanilang test.