Sarangani, Davao Occidental nilindol

Niyanig ang Sarangani, Davao Occidental ng magnitude 3 na lindol, Sabado ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 103 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 10:38 ng umaga.

32 kilometers ang lalim at tectonic ang origin ng lindol.

Sinabi naman ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala bunsod ng pagyanig.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Read more...