Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, pumalo na sa 6.8 milyon

Sumampa na sa mahigit 6.8 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 6,844,838 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 1,965,708 cases.

Sumunod na rito ang Brazil na may 646,006 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 449,834 naman ang kaso sa Russia habang 288,058 ang napaulat na kaso sa Spain.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 283,311
– India – 236,184
– Italy – 234,531
– Peru – 187,400
– Germany – 185,414
– Turkey – 168,340
– Iran – 167,156
– France – 153,055
– Chile – 122,499
– Mexico – 110,026
– Saudi Arabia – 95,748
– Canada – 94,335
– Pakistan – 89,249
– China – 83,030
– Qatar – 65,495
– Bangladesh – 60,391

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 398,147 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 3,348,998 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...