Ayon sa huling datos ng PAGASA, nakapagtala ang Ambulong, Tanauan City ng pinakamataas na heat index na umabot sa 50 degrees Celsius, alas-2:00 ng hapon.
Narito ang iba pang mga lugar kung saan nakapagtala pa ng mataas na heat index ngayong araw, alas-2:00 ng hapon:
Aparri, Cagayan – 48 degrees Celsius
Sangley point, Cavite City – 48 degrees Celsius
Science City of Muñoz – 46 degrees Celsius
Legazpi City – 45 degrees Celsius
Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.