Heat index sa Metro Manila, pumalo sa 41 degrees Celsius

Mainit at maalinsangan panahon ang naranasan sa Metro Manila, araw ng Biyernes (June 5).

Ayon sa PAGASA, umabot sa 41 degrees Celsius ang heat index sa bahagi ng Science Garden, Quezon alas-3:00 ng hapon.

Umabot naman sa 35.0 degrees Celsius ang naitalang maximum temperature sa nasabing lugar.

Ayon sa PAGASA, mapanganib ang posibleng idulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees ang heat index sa isang lugar.

Maaari anilang maging sanhi ito ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Dahil dito, payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activity tuwing tanghali at hapon.

 

 

Read more...