Global cases ng COVID-19 mahigit 6.7 million na

Umakyat na sa mahigit 6.7 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, sa nasabing bilang, mayroong mahigit 393,000 ang nasawi.

Umabot naman na sa mahigit 3.2 milyon ang naitatalang naka-recover o gumaling na sa sakit.

Habang mahigit 3 milyon pa ang aktibong kaso kung saan mahigit 55,000 dito ang kritikal ang kondisyon.

 

 

 

Read more...