Pandemic ng COVID-19 kontrolado na sa France

Kontrolado na ang COVID-19 pandemic sa bansang France.

Pahayag ito ng scientific advisory council ng gobyerno ng France matapos unti-unti nang bawiin ang lockdown na sinimulang ipatupad noong Marso.

Bagaman nananatili ang pagkalat ng virus partikular sa ilang rehiyon, sinabi ng pamahalaan ng France na bumagal na ang paglaganap nito.

Bumaba na rin ang bilang ng naitatalang nasawi sa France dahil sa sakit.

Noong Huwebes, June 4 ay nakapagtala lang ng apat na nasawi ang health ministry.

Ang France ay may kabuuang mahigit 152,000 na kaso ng COVID-19 kung saan mahigit 29,000 dito ang pumanaw.

 

 

Read more...