Layun ng naturang mga panukala para lalo pang pagbutihin ang medical health care services sa publiko sa gitna ng pandemyang dulot ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Kabilang sa mga panukala ay ang pagtatatag ng Bicol Women’s and Children’s Hospital sa Camarines Sur; at ang pagpapalawig ng kapasidad ng Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City; Western Visayas Medical Center sa Iloilo City; Siargao District Hospital sa Surigao del Norte; Malita District Hospital in Davao Occidental; Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center sa Las Piñas City; at Cagayan Valley Medical Center sa Cagayan.
Matapos naman ang minor committee amendments mula kay Go, ay inaprubahan ang pitung panukala sa second reading at ngayon ay nasa ikatlo at huling pagbasa.
Una nang ipinunto ng senador ang kahalagahan ng mabilis na pagbalangkas ng local hospital measures dahil sa nagpapatuloy na pandemic.
Sa kanyang sponsorship speech, ay ipinunto ng mambabatas ang data mula 2018 na nagpapakita na halos 65% ng 284 mula sa 437 public hospitals ay lumampas sa kanilang limit pagdating sa bed capacity at patient admittance.
“This included 51 or 73% of our DOH hospitals,” Sabi ni Go.
Inihayag din ni Go ang kanyang pag-aalala sa karamihan ng mga pasyenteng Filipino. Kanya rin isiniwalat ang overcrowding issue sa provincial hospitals na karaniwang problema dahil sa global health crisis.
“Sana sa pandemic natin ngayon, huwag nating tagalan ang mga priority bills, lalong lalo na involving health,” saad pa ni Go.
“As we face the COVID-19 pandemic, it is crucial to improve our government health facilities,” dagdag ng Senador.
Inalala din nito ang kanyang mga napansin sa pag-iikot sa mga ospital bansa. Aniya, nasaksihan niya mismo ang paghihirap na dinaranan ng mga Filipino sa buong bansa para lamang makakuha ng serbisyong-pangkalusugan.
Naniniwala ang senador na kapag dinagdagan ang bed capacity ng mga ospital ay mas lalong masusunod ang physical distancing measures para maapatan ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit.
“Ako, sa kakaikot ko rin po sa buong bansa, napakadaming pong hospital. Minsan nakahilera nalang diyan sa tabi sa corridor ang dalawang pasyente sa isang kama. Kaya lalo na sa panahon ngayon, nagkakahawaan na dahil sa kakulangan ng ating health facilities,” wika ng senador.
Kapag naisabatas, tiniyak ni Go na ang mga panukala ay magpapalakas ng kapasidad ng mga ospital, lalo na sa mga lalawigan.
Idinagdag din niya na tatalima ang mga ito sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) Program ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtitiyak sa quality health care access para sa mga Filipino sa mga kanayunan.
“We aim to capacitate our government hospitals, especially in the provinces. This is also in line with the Balik Probinsiya initiative of the government,” wika pa ng senador.
“Improving health capacity and upgrading capability of hospitals in the provinces would help enhance the health and overall well-being among the entire Philippine population,” dagdag pa nito.
Pinasalamatan din ng senador ang kanyang mga kasamahan sa suporta sa mga naturang panukala, sa pagsasabing ang mga naturang inisyatiba ay magpapahusay sa kapabilidad ng pampublikong ospital sa buong bansa na tututok sa magalingan ng mamamayan.
“It is our duty as legislators to enact measures that would help address the lack of appropriate facilities and equipment in our government hospitals, most especially in these crucial times,” Pagtatapos ni Go.