Naarestong pulis dahil sa gunban siyam na, 3 sundalo arestado din

gun-banPumalo na sa siyam na mga pulis at tatlong mga aktibong miembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at isang miembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang kabilang sa mga naaresto dahil sa nagpapatuloy na pag-iral ng gun ban ng Commission on Elecitons.

Ayon sa datos ng PNP-PIO, ngayong araw, nasa 1,175 ang kabuuang bilang ng mga naaarestong lumalabag sa Comelec gun ban.

Kinilala naman ng PNP ang mga naarestong pulis na sina:

-PO1 Marvin Tianio Granada na naka-assign sa NCRPO
-PO2 Reynaldo Pilapil Daming Jr. na naka-assign sa AVSEGRP sa NAIA
-PO2 Jessie James Marabi na inaresto dahil naman sa indiscriminate firing sa Iloilo
-PO1 Marlon Cojuangco Nofuente naka-assign din sa NCRPO
-SPO2 Lito Mengollo naka-assign sa custodial facility ng Support Service
-PO1 Alexander Carolino Abad naka-assign sa 1st maneuver company ng RPSB sa Taytay Palawan
-PO1 Michael Tabarangao mula rin sa NCRPO
-SPO1 Eleonor Osico ng Regional Intelligence Unit
at isang Police trainee ng SAF na nakilalang si Eugene Arreglado.

Ang tatlong aktibong miyembro naman ng AFP na naaresto ay sina M/Sgt. Sancino Dordas,
Sgt. Antonio Caitor at at PFC Fellip Abad.

Habang nakilala naman ang bumberong naaresto na si F02 Erwin Fuentes Babeliano.

Samantala, karamihan sa mahigit 1,000 nang nadakip sa gu ban ay pawang mga sibilyan na umaabot sa 1,127, 16 ang security guard, 2 ang CAFGU at 5 ang miyembro ng iba pang law enforcement agencies.

Read more...