Pagkakasama sa Santiago-Marcos tandem, ikinatuwa ni Tolentino

Francis TolentinoLaking pasasalamat ni Independent Senatorial Candidate Francis Tolentino kina Senators Miriam Defensor-Santiago at Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Ito ay bunsod nang pagkakasama niya sa sampung senatorial candidates ng tambalang Santiago-Marcos para sa papalapit na eleksyon. “Nagpapasalamat po tayo sa tiwala na ibinigay ng tambalan nina Senator Bongbong Marcos at Sen. Miriam Defensor Santiago na maisama tayo sa kanilang senatorial slate,” ayon kay Tolentino.

Sa senatorial line-up nina Santiago at Marcos kapansin-pansin na si Tolentino lang ang maituturing na independent dahil ang siyam iba pa ay pawang kandidato din ng ilang partido.

Giit ni Tolentino nakakatuwa ang pagtitiwala sa kanya ng dalawang senador at aniya ang paghahanda sa lahat ng uri ng kalamidad ang isa sa kanyang mga adbokasiya sa pagtakbo sa pagka-senador. “Dalhin natin ang ating advocacy sa ‎Disaster Preparedness‬ at ang serbisyong ‪#TulongTino‬ patungo sa Senado,” dagdag pa ni Toletino.

Read more...