Inirerespeto ni Filipino Boxing Icon at Saranggani Representative manny pacquiao ang desisyon ng nike na itigil na ang kanyang kontrata kasunod ng komento nito sa same-sex marriage.
Sa kanyang tweet ay sinabi ni Pacquiao na anuman ang aksyon ng Nike ay desisyon nila iyon at iginagalang niya ito.
Pero nilinaw ng pambansang kamao na ang kontrata niya sa Nike ay para sa clothing sponsorship at hindi endorsement contract.
Sa kabila ng kontrobersya ay nananatiling positibo si Pacquiao at nagpapasalamat pa rin ito sa kanyang supporters sa kanilang dasal.
Ang aksyon ng Nike ay bunsod ng komento ni Pacquiao na masahol pa sa hayop ang lalaking may relasyon sa lalaki at babae sa babae.
Humingi ito ng paumanhin kalaunan at naglinaw na hindi niya kinondena ang mga bakla at tomboy kundi ang kanilang sexual act pero hindi raw magbabago ang pagtutol niya sa same sex marriage.