PNP hinimok ang publiko na iwasan ang pagsasagawa ng mass protests

Umapela ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na iwasan ang pagsasagawa ng mass protests ngayong umiiral ang general community quarantine.

Naalarma ang PNP sa ginawang mass action at public assembly sa UP Diliman campus nong Huwebes (June 4).

Ayon sa PNP, bilang responsableng mamamayan dapat ay iwasan ang lahat ng gawain na posibleng magdulot ng human to human transmission ng COVID-19.

Dahil umano sa isinagawang mass action, nakompromiso ang public health at kapakanan maging ng mga raliyista.

 

 

Read more...