Duque inako ang responsibilidad sa nabinbing tulong-pinansyal sa mga healthcare worker

Inako ni Health Secretary Francisco Duque III ang responsibilidad sa pagkakabinbin ng tulong-pinansyal sa mga healthworker na naapektuhan ng COVID-19.

Sa kaniyang Tweet, sinabi ni Duque na bagaman nagpahayag siya ng pagkadismaya sa kaniyang mga tauhan, bilang kalihim ng DOH ay inaako niya ang responsibilidad sa nangyari.

Tiniyak ni Duque na susundin ng ahensya ang isinasaad sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act at ipagkakaloob ang karampatang benepisyo sa pamilya ng mga nasawing healtcare worker.

Gayundin sa mga healthcare worker na naapektuhan ng COVID-19.

“While I expressed disappointment towards some members of my team, I acknowledge that this is still my responsibility as SOH. I will make sure that we comply with the Bayanihan to Heal As One Act, with proper documentation and identification of HCWs,”. ayon kay Duque.

 

 

Read more...