Bus augmentation program sa MRT-3 magkakaroon ng fixed schedule

Magkakaroon na ng fixed schedule ang bus augmentation program ng Department of Transportation (DOTr) sa MRT-3.

Sa abiso ng DOTr, puno man o hindi ng pasahero, aalis ang bus kada limang minuto.

Gagamitin ng mga bus ang dedicated median lanes sa kahabaan ng EDSA para matiyak ang mas mabilis na biyahe ng mga pasahero.

Sa ngayon, mayroong loading stations ang bus augmentation ng DOTr sa MRT-3 North Ave. Station at Quezon Ave. Station. Ang unloading naman o babaan ay sa Ayala Station at Taft Station.

Para sa northbound, ang loading stations ay sa MRT-3 Taft Station at Ayala Station at ang unloading o babaan ay sa Ayala Station, Quezon Ave. Station, at North Ave. Station.

Sa ilalim ng MRT-3 Bus Augmentation Program, ang unang bus ay aalis ng 5:30 ng umaga habang ang huling bus ay alas 8:00 ng gabi.

 

 

 

 

Read more...