Highest number ng recoveries sa COVID-19 naitala sa Cebu City

Nakapagtala ang Cebu City ng highest number of recoveries sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa datos ng Cebu City Health Office, sa loob ng isang araw nakapagtala ng 369 na bagong naka-recover sa COVID-19.

Karamihan dito o 339 ay pawang mula sa mga pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sa pinakahuling datos, ang Cebu City ay mayroong kabuuang 2,552 na kaso.

995 na lamang dito ang aktibong kaso, habang 1,557 na ang gumaling.

Mayroon namang 31 na pumanaw sa sakit.

 

 

Read more...