Mga IT, nananatiling may pinakamataas na sweldo ayon sa report ng JobStreet Philippines

BPONananatiling ang mga IT ang may pinakamataas na sweldo sa bansa batay sa salary report ng JobStreet Philippines ngayong 2016.

Sa ulat ng JobStreet, ang mga IT junior executives na mayroong 1 – 4 years na experience ay sumusweldo ng P38,149 kada buwan.

Kung supervisor naman ang position at IT-related ang trabaho, nasa P63,285 ang sweldo kapag mahigit 5 taon ang karanasan at nasa P86,550 ang sweldo kapag Managerial o Assistant Manager ang pwesto.

Sumunod na may mataas na sweldo ang mga nasa larangan ng law o legal service. Ayon sa JobStreet, kung junior executive ay P30,324 ang sweldo kada buwan at P43,126 kung supervisor.

Pero para sa mga manager o assistant manager na nasa law o legal services, pang sampu sila sa may pinakamataas na sweldo na tumatanggap ng P61,210 kada buwan.

Narito ang nilalaman ng salary report 2016 ng JobStreet Philippines:

Managers / Assistant Managers
IT-related – P86,550
Corporate Strategy – P79,309
Actuarial Science/Statistics – P75,784
Quality Control – P73,574
Customers Service – P71,389
Security/Protective Services – P67,333
Human Resources – P65,122
Training & Development – P64,651
Finance-Related – P62,673
Law at Legal services – P61,310

Supervisors (with 5 or more years experience)
IT-related – P63,485
Law at Legal services – P43,128
Quality Control – P38,644
Finance related – P36,757
Customer Service – P36,082
Banking/Financial services – P35,887
Human resources – P35,502
Training & Development – P34,081
Engineering-Related – P33,832
Marketing o business development – P33,596

Junior executives
IT-related – P38,149
Law at Legal services – P30,324
Actuarial/Statistics service – P28,406
Customer Service – P27,890
Training and development – P27,471
Public Relations – P27,050
Banking/Financial Services – P26,275
Arts and creatives – P26,204
Finance related – P23,907
Marketing o business development – P23,790

Read more...