Pitong estudyante na nagprotesta sa Cebu laban sa anti-terrorism bill inaresto

Dinakip ang pitong estudyante na miyembro ng progresibong grupo matapos silang magsagawa ng kilos protesta para kondenahin ang anti-terrorism bill sa harapan ng University of the Philippines (UP) sa Cebu.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Melbert Esguerra, deputy director for administration ng Cebu City Police Office (CCPO), nilabag ng mga nagprotesta ang pagbabawal sa mass gatherings.

Sinabi ni Esguerra na binigyan lamang nila ng 10-minuto ang mga estudyante para mag-disperse pero hindi sumunod ang mga ito.

Dahil dito, dinakip na ang mga nagpoprotesta at dinala sa CCPO headquarters.

Kasama sa mga naaresto si Jaime Paglinawan na chairperson ng Alyansa sa mga Mamumuo sa Sugbo-Kilusang Mayo Uno.

 

 

 

Read more...