Planong payagan ang pag-aangkas sa sa Cebu hindi na itutuloy ni Gov. Gwendolyn Garcia

Hindi na itutuloy ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang pagpapatupad ng executive order (EO) na magbibigay-daan na muli sap ag-aangkas sa mga motorisklo.

Ito ay matapos na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang magsabi na hindi niiya papayagan ang nasabing plano.

Sinabi ni Garcia na susundin niya ang utos ng pangulo at babawiin ang EO.

Inabisuhan na rin ni Garcia ang Provincial Board (PB) na huwag nang ituloy ang nakatakdang special session ngayong araw na layon sanang talakayin ang pagpapasa ng provincial ordinance para sa pag-aangkas.

 

 

 

Read more...