Lalo pang bumagal ang pagsipa ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo noong nagdaang buwan ng Mayo.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo lang sa 2.1 percent ang naitalang inflation rate noong Mayo.
Sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa malaking ambag ang pagbaba ng halaga ng produktong petrolyo noong nakaraang buwan.
Gayundin ang pagbaba sa presyo ng pagkain at Non-Alcoholic Beverages.
Nakitaan ng pagbaba sa presyo ng pagkain gaya ng mais, asukal, at iba pa.
MOST READ
LATEST STORIES