Governor Generos, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 125 kilometers southeast ng bayan ng Governor Generoso alas 8:06 ng umaga ngayong Biyernes (June 5).

May lalim na 12 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang intensities bunsod ng lindol.

Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

Read more...