Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon muling nabawasan sa magdamag

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 189.40meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (June 4) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 189.60 meters.

Nanatili naman ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 101.03 meters ngayong umaga habang bahagyang nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 76.15 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 76.24 meters.

Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque at Pantabangan dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Caliraya at Magat dams.

 

 

Read more...