Extreme lockdown sa Morning Breeze Brgy. Alabang, Muntinupa posibleng palawigin pa

Pinag-aaralang paabutin ng 14 na araw ang ipinatutupad na extreme lockdown sa Morning Breeze sa Alabang, Muntinlupa.

Kahapon nagpatawag ng emergency meeting si Muntinlupa Mayor Jaime R. Fresnedi para talakayin ang posibilidad na palawigin ang lockdown.

Una nang may nakumpirmang 6 na kaso ng COVID-19 sa lugar.

Habang mayroon pang 33 suspected COVID-19 patients na ilalagay na sa isolation sa Ospital ng Muntinlupa.

Ayon kay Fresnedi, magsasagawa ng mass testing ang City Health Office sa buong Morning Breeze.

 

 

 

 

Read more...