Nasawi sa COVID-19 sa US mahigit 110,000 na

Sumampa na sa mahigit 110,000 ang bilang ng mga nasawi sa Estados Unidos dahil sa COVID-19.

Sa magdamag ay nakapagtala ang US ng halos 1,000 panibagong nasawi sa sakit.

Samantala, umabot na sa mahigit 1,922,000 ang COVID-19 cases sa US.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng mahigit 21,000 na panibagong kaso.

Mayroong mahigit 706,000 na naka-recover sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 1.1 million na aktibong kaso.

 

 

Read more...