52 degrees Celsius naitalang pinakamataas na heat index sa Butuan City, June 4

Nakapagtala ng mataas na heat index ang 10 lugar sa bansa, araw ng Huwebes (June 4).

Ayon sa huling datos ng PAGASA, nakapagtala ang Butuan City ng pinakamataas na heat index na umabot sa 52 degrees Celsius, alas-2:00 ng hapon.

Narito ang mga lugar kung saan nakapagtala pa ng mataas na heat index ngayong araw:

Dagupan City (2:00PM) – 47 degrees Celsius

Science City of Muñoz (5:00PM) – 47 degrees Celsius

Sangley point, Cavite City (2:00PM) – 46 degrees Celsius

Ambulong, Tanauan City (5:00PM) – 45 degrees Celsius

Casiguran, Aurora (2:00PM) – 45 degrees Celsius

Davao City (2:00PM) – 45 degrees Celsius

NAIA, Pasay City (1:00PM) – 45 degrees Celsius

Roxas City (2:00PM) – 45 degrees Celsius

Tuguegarao City (2:00PM) – 45 degrees Celsius

Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

Read more...