Ayon sa PAGASA, umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index sa bahagi ng Science Garden, Quezon bandang 2:00 ng hapon.
Umabot naman sa 35.1 degrees Celsius ang naitalang maximum temperature sa nasabing lugar.
Ayon sa PAGASA, mapanganib ang posibleng idulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees ang heat index sa isang lugar.
Maaari anilang maging sanhi ito ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Dahil dito, payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activity tuwing tanghali at hapon.
MOST READ
LATEST STORIES