P1M cash compensation tax-free – Sen. Recto

Tax-free ang ibibigay na cash compensation para sa mga medical workers na namatay o nagkasakit dahil sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto at aniya sa probisyon sa Bayanihan Act 2, ang tulong-pinansiyal ay dapat maibibigay sa mga benipesaryo ng hindi lalagpas ng 90 araw simula sa araw ng kamatayan o pagkakasakit.

Nakasaad sa Bayanihan to Heal as One Act, ang public at private health workers na tatamaan ng COVID 19 ay tatanggap ng P100,000, bukod sa libreng pagpapagamot.

Samantala, ang mga benipesaryo ng mga namatay ay bibigyan ng P1 milyon.

“We are imposing a deadline. Its release should not be at the mercy of red tape,” sabi ni Recto, na siyang sumulat ng mga amyenda sa batas.

“‘Yung mga pabuya nga sa mga atletang nagkamedalya walang buwis, ito pa kayang para sa mga totoong nagbuwis buhay?” dagdag pa ng senador.

Hanggang noong Hunyo 1, 32 health workers na ang namatay sa sakit, 26 sa kanila ay doktor, apat ang nurse at dalawa ang non-medical staff.

Read more...