Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,607

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (June 4, 3:00 PM) pumalo na sa 1,607 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon kung saan nakapagtala ng 9 na panibagong kaso.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 376
Laguna – 468
Batangas – 205
Rizal – 454
Quezon – 104

Nasa 857 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 19 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 144
Laguna – 304
Batangas – 106
Rizal – 229
Quezon – 74

Nanatili naman sa 159 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 30
Laguna – 35
Batangas – 25
Rizal – 61
Quezon – 8

Read more...