MIAA nakiusap sa pagdagsa sa NAIA ng na-stranded

Nangangamba si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa kalusugan ng mga tinatawag na locally stranded individuals o LSIs, marami ay OFWs, na nag-iipon sa NAIA Terminal 2.

Kumalat sa news sites at social media ang mga larawan ng LSIs na natutulog hanggang sa kalsada sa paligid ng airport.

Ayon kay Monreal, may namuno sa mga LSIs at nag-anunsiyo na makakauwi na sila sa kani-kanilang probinsiya sa Visayas at Mindanao basta magtungo lang sa NAIA Terminal 2.

Tumanggi na ang LSIs at sinabi na mananatili na lang sila sa airport hanggang sa magkaroon sila ng biyahe pauwi.

Binigyan naman sila ng OWWA ng pagkain at ang MIAA ay namahagi ng Malasakit kits.

Bunga nito, umapela si Monreal sa LSIs na huwag munang magtungo sa airport hanggang wala silang kumpirmadong biyahe at ticket para hindi na madagdagan pa ang mga stranded sa airport.

Read more...