BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 20,382

Nadagdagan pa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (June 4), sumampa na sa 20,382 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ng kagawaran na 634 pa ang napaulat na kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 313 ang “fresh cases” habang 321 ang “late cases”

Sinabi ng DOH na 10 pa ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 984 na.

Ayon sa DOH, 95 pasyente ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.

Dahil dito, ang total recoveries sa COVID-19 sa Pilipinas ay 4,248 na.

Read more...