Sunog sumiklab sa isang residential area sa Valenzuela City

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Valenzuela City, Huwebes ng hapon.

Ayon sa Valenzuela City government, apektado ng sunog ang bahagi ng Pinagpala Street sa Pinalagad Malinta.

Itinaas sa ikatlong alarma ang sunog bandang 3:56 ng hapon.

Na-control naman ang sunog sa nasabing lugar bandang 4:22 ng hapon.

Sa ngayon, inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng pinsala bunsod nito.

Read more...