Mga Filipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19, 5,355 na – DFA

Mayroong bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 4, umakyat na sa 5,355 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 49 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,788 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nasa 2,210 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, umakyat naman sa 357 ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,346 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 834 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 657 naman ang kaso sa Americas at 518 sa Asia Pacific Region.

Read more...