BREAKING: Mass gathering para sa religious purposes pwede na sa mga lugar na nakasailalim sa MGCQ

Pinayagan na ng Inter Agency Task Force ang mass gathering sa mga lugar na nasa Modified General Community Quarantine pero para lamang sa religious purposes.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque kailangan ay 50 percent lamang ng capacity ng lugar na pagdarausan ng mass gathering ang papayagan.

Ibig sabihin sa mga lugar na nasa MGCQ na lang, pwedeng nang magdaos muli ng mga misa na dadaluhan ng mga tao, pero dapat limitado sa 50 percent capacity ng simbahan ang papayagang makapasok.

“Kahapon po, sa mga lugar na MGCQ, pupuwede na pong magkaroon ng mass gatherings para sa religious purposes pero po hanggang 50 percent lamang ng seating capacity,” ani Roque.

 

 

Read more...